Bata, oy bata!
In a Trentine dialect a child is reffered to as "popo", a child - a bata. These few lines I wrote some days ago are refelctions of the world of a child "created" purposely for him.
How beautiful it is to be a child again!
"Bata, oy bata!
Turuan mo akong maging ikaw.
Bata, sige na bata,
tulungan mo sa aking mundo
ay lumisan.
Saya, galak, tuwa
ang nakaukit sa 'yong mga mata
sa puso ang ligaya ito'y damang dama.
Sa makulay mong mundo
Dalhin ang ninanais ng puso ko.
Sigla, tawa, laro
ito ang mundong iyong kinagigiliwan,
lungkot at luha dito ay walang puwang
sa munting mundong iyong ginagalawan
sana sa 'king buhay ito'y ilarawan.
Bata, oy bata!
Paano kita matutularan?
Dalhin mo ako sa iyong mundong
puspos ng kapayapaan
at kasiyahan na siyang iyong tanging buhay.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home